Thursday, January 21, 2010

Isa pang criminal complaint sa negosyante, pinaboran ng DOJ

Pinaboran ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng panibagong kaso ng kidnapping, serious illegal detention, nine counts ng child abuse, at anti-trafficking law laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian, asawa nito, at dalawang anak.

Sa sampung pahinang resolusyon na inaprubahan ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, naking may ‘probable cause’ ang mga naturang kaso laban kina Mariano Tanenglian, asawa nitong si Aleta, at dalawang anak na sina Maximillian at Fayette.

Ayon s DOJ, binibigyang bigat ng investigating fiscal mula sa Task Force on Women and Children Protection ang pahayag ng complainant na si Aljane Bacanto na nakaranas ito ng iba’t ibang uri ng pangmamaltrato at pagmamalupit mula sa mga amo mula ng magsimula siyang magtrabaho sa mga Tanenglian noong siya ay 16-anyos pa lamang. Ang mga pahayag na ito ang pinagbasehan ng mga kasong paglabag sa R.A. 9208 (Anti-Trafficking of Persons Act) at R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act)

Samantala, ibinasura naman ng DOJ ang reklamong frustrated murder laban sa mga akusado.

Source:
Abante Tonite (Vol. XXI Blg. 353) Published January 21, 2010