Isa pang kaso ng illegal detention at serious physical injuries ang isinampa ng isang housemaid laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian.
Kasama sa kinasuhan ng biktimang si Gina Renacia, 33-anyos, ang kapamilya nitong sina Aleta, Adeline at Junjun Tan.
Ayon sa pahayag ng biktima, maraming beses siyang sinaktan ng kanyang mga amo, kinalbo ang kanyang ulo at pinagsasasampal kapag nakakagawa ng mali. Pinlantsa pa umano ni Aleta ang likod ng biktima noong Nobyembre 1992 at siya’y nagpagamot sa Philippine General Hospital.
Nauna nang nagsampa ng katulad na kaso ang dalawang katulong ni Mariano Tanenglian, sina Mary Jane Sollano, 18-anyos, na tubong Zamboanga del Sur at Aljane Bacanto, 19, ng Leyte.
Tulad in Renacia, nakaranas din ng pagmamalupit sina Sollano at Bacanto mula sa dating mga amo. Ayon sa dalawa ay nakaranas din sila ng pagmamalupit tulad ng hindi pagbabayad ng sweldo at pgbabawal na lumabas ng bahay.
Source:
Abante Tonite (Vol XXI Blg 310 p. 2) Published December 7, 2009
Abante (Vol. XXII Blg. 216 p. 6) Published December 7, 2009. Retrieved from
http://www.abante.com.ph/issue/dec0709/crimes03.htm