Nagsampa ng kaso sa Department of Justice si Gina Renacia, isa pang kasambahay ng bilyonaryong si Mariano Tanenglian dahil sa kalunos-lunos nitong sinapit sa kamay ng mga amo.
Kasama sa kinasuhan ang asawa ni Tanenglian na si Aleta, at mga anak an sina Adeline at Junjun.
Nabatid na ang biktimang si Renacia ay dumanas ng pisikal at mental na pag-abuso mula sa mga nabanggit na amo nang siya ay namamasukan bilang katulong noong Nobyembre 1992, at siya ay 15-anyos pa lamang.
Kabilang sa sinapit ng biktimang dati pang menor de edad, ang pananakit sa kanyang katawan, sinasampal sa tuwing may pagkakamali at pinupwersang kalbuhin ang sarili at ang pag-paso sa kaniyang likod ng ma init na plantsa hanggang sa maospital siya sa PGH.
Matatandaang dalawa pang kasambahay ni Mariano Tanenglian ang nagsampa ng katulad na kasa laban sa dating amo. Sila ay sina Mary Jane Sollano, 18, tubong Zamboanga del Sur, at Aljane Bacanto,19, mula sa Leyte.
Ang mga biktima ay nasa ilalim ngayon ng ‘counseling’ sa tulong ng Teresita Ang See’s Kaisa Foundation.
Source:
Quejada, Nina Butch, at Ludy Bermudo, Pilipino Star Ngayon. (Taon XXIV Blg. 261) Published December 07, 2009. Retrieved from
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=530113&publicationSubCategoryId=93