Monday, December 7, 2009

Katulong kinalbo na plinantsa pa: Kaso ulit sa Tsinoy

Isa pang kasambahay ang pormal na nagharap ng sumbong laban sa bilyonaryong Intsik na si Mariano Tanenglian at s pamilya nito na nauna nang ipinagharap ng sakdal ng dalawa nitong kasambahay kamakailan lang.

Ang ikatlong biktima, si Gina Renacia, 33 taong gulang ay nagharap ng sumbong sa Department of Justice laban kay Mariano Tanenglian, asawa nitong si Aleta, at anak nitong sina Adeline at Junjun.

Ayon sa nilalaman ng sumbong, “It appears that herein victim Renacia, then 15-year old minor, was formerly employed as housemaid at the residence of the afore-named respondents. Investigation disclosed that sometime in Nov. 1992, victim Renacia, while working as ‘kasambahay’ at the said abode, suffered physical and mental abused from the afore-named res­pondents thereby causing physical and emotional districts upon her person”.

Matatandaang dalawa nang kasambahay ni Tanenglian ang naghabla laban sa pamilya ni Mariano Tanenglian dahil sa pang-aabuso at pangmamaltrato ng mga ito. Sila ay sina Mary Jane Sollano, 18-anyos, na tubong Zamboanga del Sur at Aljane Bacanto, 19, ng Leyte.

Source:
Remate (Taon 18 Isyu 264 p. 5) Published December 7, 2009