Isa pang kasambahay ng bilyonaryong Tsinoy na si Mariano Tanenglian ang naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng pagmamaltrato din sa kanya.
Kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide and inihaing reklamo ni Aljane Bacanto, 19, tubong Leyte laban sa dating amo.
Sa kanyang salaysay sinabi nito na namasukan siya sa pamilya Tanenglian noong 2006. Sa simula ay naging maayos umano ang pakikitungo sa kanya ng buong pamilya subalit nang lumipas na ang ilang araw ay naranasan na niyang pagmalupitan ng mga ito. Kabilang sa pagmamalupit na ginawa umano ng kanyang mga dating amo ay ang pagkukulong sa kanya sa kwarto at hindi pinapakain ng maayos.
Matatandaan na una nang naghain ng parehas na reklamo sa DOJ ang isa pang kasambahay ng pamilya Tanenglian na itinago sa pangalang Beth, 18-anyos.
Si Beth ay una nang nasagip sa tahanan ng pamilya Tanenglian matapos na ipagbigay-alam ni Bacanto sa pamilya nito ang nararanasang pagmamalupit.
Nakipagkoordina ang pamilya ni Beth sa mga awtoridad at isang operasyon ang inilunsad kung saan ito nasagip.Kapwa desidido ang dalawang biktimang katulong na ituloy ang kaso laban sa kanilang mga amo.

Source:
Amargo-Garcia, Gemma and Ludy Bermudo, Pilipino Star Ngayon (Taon XXIV Blg. 174 p.3) Published September 09, 2009. Retrieved from
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=503519&publicationSubCategoryId=93