Iimbestigahan ng Commission on Human Rights ang napabalitang pang-aabusong pisikal at mental sa katulong ng bilyonaryong si Mariano Tanenglian gayundin ay pinag-aaralan na ng komisyon ang pagpapalabas ng hold departure order (HDO) laban sa kanya.
Ayon kay CHR Protection and Monitoring Division head Atty. Carmelita Rosete, pinag-aaralan pa nila kung hihilingin nila sa Bureau of Immigration na maglabas ng HDO para kay Tanenglian. Maliban dito, sinisilip nila ang maaring paglabag sa karapatang pambata at child trafficking sa biktimang si Mary Jane Sollano.
Kamakailan lang ay nagsampa ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide ang biktima sa tanggapan ng Department of Justice. Kasama sa affidavit ni Sollano ay ang mga testimonya ng mga kawani ng pulisya, CHR, Department of Social Welfare and Development, at iba pang indibidwal na kasamang nagligtas kay Sollano sa tahanan ng mga Tanenglian.

Source:
Abante Tonite (Vol. XXI No. 213 p. 8) Published September 01, 2009