Tuesday, September 1, 2009

CHR pasok sa inabusong katulong (Pilipino Star Ngayon)

Magsasagawa ng imbestigasyon and Commission on Human Rights hingil sa umano’y pang-aabuso ng pamilya ng negosyanteng si Mariano Tanenglian sa kanilang kasambahay.

Bukod dito, pinag-aaralan din ng CHR kung hihilingin sa Bureau of Immigration na maglabas ng hold-departure order laban sa suspect.

Ayon kay Atty. Carmelita Rosete, pinuno ng CHR Protection and Monitoring Division, tinitignan nila ang anggulong paglabag sa karapatang pambata at child trafficking sa kaso ng kasambahay na is Mary Jane Sollano. Ito ay dahil trese anyos pa lamang ang biktima nang kunin siyang katulong ng mga Tanenglian.

Nito lamang ay nagsampa na ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide si Sollano sa tanggapan ng Department of Justice laban kay Mariano, asawa nitong is Aleta at mga anak na sina Maximilian at Fayette.

Source
Quejada, Butch, Pilipino Star Ngayon. (Vol/ XXIV No. 166 p.2) Published September 01, 2009. Retrieved from
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=501184&publicationSubCategoryId=92