Tuesday, September 8, 2009

Tanenglian kinasuhan ng isa pang kasambahay (Police Files)

Nagtungo kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang isa pang kasambahay ng negosyanteng si Mariano Tanenglian, kapatid ng negosyanteng is Lucio Tan, at pormal na naghain ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide laban sa kanyang dating amo, asawa nitong is Aleta at mga anak na sina Maximilian at Fayette

Sa kanyang reklamo, sinabi nito na nagsimula siyang mamasukan noon Mayo 2006. Noong una ay maayos ang pakikitungo ng mga amo sa kanya ngunit naglaon ay nagbago na ang pagtrato sa kanya.

Kabilang sa pagmamalupit na ginawa umano ng dating amo ay ikinukulong sa kwarto, hindi pinapakain, hindi pinaaalis ng bahay, hindi pagbigay ng day-off at sinasakatan sa konting pagkakamali.

Nauna nang naghain ng reklamo sa DOJ si 'Beth', 18, tubong Zamboanga del Sur, isa ring kasambahay ng mga Tanenglian.

Source:
Mallari, Jonah and German Roque, Police Files (Vol. 6 No. 32 p. 2) Published September 9, 2009.