Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights laban sa pamilyang Tanenglian na sinampahan ng kaso ng kanilang katulong na umano’y kanilang minamaltrato at inaapi.
Ang naturang hakbang ay hiniling ng pamilya ng biktimang si Mary Jane Sollano, tubong Zamboanga del Sur, upang mapalakas ang kaso laban kina Mariano, asawa nitong is Aleta, mga anak na sina Maximilian at Fayette, at iba pa. Ayon sa pamilya ng biktima, magsisilbing bantay ng kaso ang CHR laban sa posibleng paggamit ng impluwensya at kapangyarihan ng mga Tanenglian.
Nakasampa na ang kasong pang-aalipin, pangmamaltrato, serious illegal detention, at frustrated homicide sa Department of Justice laban sa dati nitong mga amo .
Naging katulong ng mga Tanenglian si Sollano noong siya’y 13-anyos pa lamang. Sa panahong ito ay naranasan ng biktima ng matinding pagmamalupit, paggutom, pananakit, pagkulong, maging ang pagkadena, Ang pinakamaluit ay ang pagkuha ng kanyang litrato habang nagtatrabaho ng hubo’t hubad.

Source:
Remate (Taon 18 Isyu 169 p.5) Published September 1, 2009