Maging ang Senado ay nababahala sa pagdami ng minamaltratong kasambahay sa bansa. Kaya naman, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na dapat nang magkaroon ng batas na maging sandigan ng mga kasambahay sa bansa.
Maaalalang si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada ay nanawagan sa Philippine National Police (PNP) na tutukan ang kasong isinampa ng katulong na si Mary Jane Sollano aban sa pamilya ng negosyanteng is Mariano Tanenglian.
Si Sollano ay nasagip ng mga miyembro ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development, at PNP noong Lunes matapos mapagalaman ang pangmamaltrato na ginangawa sa kanya ng asawa ni Tanenglian na si Aleta at ng dalawang anak nito.

Source:
Pang-Masa (p. 2) Published August 14, 2009.