Saturday, August 15, 2009

Inaping kasambahay sisilipin ng Senado (Police Files)

Nababahala na ang Senado sa pagtaas ng dami ng mga kasambahay na inaapi dito sa bansa, partikular ang kaso ni Mary Jane Sollano, 18-anyos at tubong Zamboanga de Sur, na mahigit 5 taong minaltrato ng mag-anak ni Mariano Tanenglian.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, dapat nang magkaroon ng batas upang pangalagaan ang mga kasambahay. Dapat din malaman kung bakit nagagawang apihin ng mga amo ang kanilang kasambahay.

Si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada naman ay nanawagan sa Philippine National Police na tutukan ang kasong isinampa ni Sollano. Nanawagan din si Estrada sa Kongreso upang ipasa ang Kasambahay Bill na naglalayong protektahan ang mga kasambahay sa bansa.


Source:
Aguilar, Fred, Police Files (Vol. 6 No. 6) Published August 14, 2009