Tila dumidistansya ang pamahalaang Arroyo sa maaaring ‘away pamilya’ sa pagitan ng taipan na si Lucio Tan at nakababatang kapatid nitong si Mariano Tanenglian.
Nais na tumayong state witness ni Mariano para sa Civil Case 005 (Republic of the Philippines vs Lucio Tan et al) kapalit ng ‘civil and criminal immunity. Ngunit nawalan na ng interes ang pamahalaan sa kaso dahil na rin sa pagtanggi ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) na tanggapin ang alok ni Tanenglian.
Minsang nagpulong sina PCGG Chair Camilo Sabio, at mga PCGG Commissioners na sina Ricardo Abcebe, Tereso Javier, Narciso Nario kasama ang mga kawani ng Office of the Solicitor General at ang abogado ni Tanenglian. Dito ay sinabi niya na nais niyang makipagtulungan sa Republika ukol dito.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin inaaksyunan ang nasabing petisyon ni Mariano. Lumalabas na hinid kumbinsido ang PCGG sa alok ni Mariano.

Source:
Taliba (Vol. 27 No. 48 p.5) Published August 29, 2009