Friday, August 28, 2009

Utol ni Lucio Tan at misis tatalupan sa DOJ (Bagong Tiktik)

Nahaharap sa iba’t-ibang kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang kapatid ni Lucio Tan na si Mariano Tanenglian at misis nitong si Aleta.

Base sa rekomendasyon ng Children’s and Women’s Complaint Desk ng Quezon City, kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide ang isinampa laban sa mag-asawang Tanenglian. Kasama rin sa kaso ang dalawang anak nilang sina Maximillian at Fayette.

Nakasaad sa salaysay ng biktimang si Mary Jane Sollano, mula Hulyo 200 hanggang Agosto 9, 2009 ay nakaranas siya ng iba’t ibang uri ng pagpapahirap gaya ng pananakit, kawalang ng komunikasyon sa iba, at iba pa. Ang pinakmalala umano ay ang pagpalo sa kanya habang nakahubad ang lahat ng kanyang mga damit.


Source:
Mape, Gina, Bagong Tiktik (Taon 12 Blg. 231) Published August 28, 2009