Sinampahan ng mga kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide ang kapatid ng business tycoon na si Lucio Tan na si Mariano Tanenglian at ang kanyang pamilya sa Department of Justice (DOJ) ng kanilang katulong.
Inereklamo ng biktimang is Beth, di tunay na pangalan, sina Mariano, asawa nitong si Aleta, at ang dalawang anak nitong sina Maximillian at Fayette.
Ayon sa biktima, taong 2004 sa edad na 13 taong gulang nang magsimula siyang magsilbi sa mga Tanenglian. Sa kanyang paninilbihan, hindi siya hinayaang makipag-usap sa kasama, gumamit ng telepono, manuod ng TV, matulog o magpahinga kapag hindi pa tapos ang trabaho, magbasa ng kahit ano, magsulat, at iba pa.
Naranasan rin ng biktimang iuntog sa pader ni Aleta, kunan ng hubo’t hubad ng babaeng amo at anak na babaeng si Fayette at buhusan ng mainit na tubig ni Maximillian, na may palayaw na Marvin.
Natapos lamang umano ang paghihirap ni Beth, nang makatakas ang isa pang katulong at makapagsumbong sa Department of Social Welfare and Development.

Source:
Saksi sa Balita (Vol. 9 No. 654) Published August 28, 2009