Friday, August 28, 2009

Kapatid ni Lucio Tan, kinasuhan ng kriminal (Police Files)

Sinampahan ng mga kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang kapatid ni Lucio Tan na si Mariano Tanenglian at pamilya nito dahil sa umano’y pangmamaltrato sa kanilang katulong.

Maliban kay Mariano, kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide ang isinampa ni Beth, di tunay na pangalan, ang isinampa laban sa asawa nitong si Aleta at mga anak nitong sina Maximillian at Fayette.

Batay sa kanyang reklamo, 13-taong gulang siya nang manilbihan sa mga Tanenglian ngunit kaagad umano siyang tinuruan ng mga gawaing bahay ni Aleta at Fayette.

Pinagsabihan din siya nina Aleta, Maximillian at Fayette na bawal siay gumamit ng cellphone o telepono, makipag-usap sa kasama, tumawa, maupo sa upuan nila, sumilip sa bintana, magbasa, at magsulat. Naranasain rin ni Beth n iuntog ang kanyang ulo sa pader, tadyakan, at sakalin ng kanyang mga amo,

Natapos lamangn ang paghihirap ni Beth matapos makatakas ang isang kapwa kasambahay na siyang nagsumbong sa ama ng biktima. Ang ama naman ni Beth ay agad na humingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWS) at Commission on Human Rights (CHR).


Source:
X-Files. (Vol. 2 No. 354 p. 2) Published August 28, 2009
Mallari, Jonah, Police Files (Vol. 6 No. 20 p.2) Published August 28, 2009