Itutuloy ng 18-anyos na si Mary Jane Sollano, kasambahay ni Mariano Tanenglian, na sampahan ng kaukulang kaso ang among negosyante dahil sa umano’y pagmamaltrato sa kanya ng limang taon
Kamakailan lang ay sinagip ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Quezon City Police si Sollano dahil sa sinasapit nitong pangmamaltrato at pagkulong sa kanyang amo. Itululoy pa rin ng pamilya Sollano ang kaso sa kabila ng pagpapapirma ng waiver ni Tanenglian para mapalaya ito.
Sumisigaw ng katarungan ang mga kaanak ng biktima dahil sa trauma na dinanas ng kanilang anak mula sa pang-aabusong pisikal at emosyonal ng dalawang anak at asawa ni Tanenglian na si Aleta.
Base sa reklamo, kayod kalabaw ang biktima at hindi pa pinakakain sa oras. Bukod dito, hindi umano siya pinapayagang lumabas ng bahay o tumawag sa kanyang mga kaaanak sa telepono.
Ayon kay Atty. Melanie Trinidad, posibleng maharap sa kasong child abuse at maltreatment ang pamilya Tanenglian dahil 13-anyos pa lang ang biktima ng maging kasambahay ito.

Source:
Tulipat, Ricky, Pilipino Star Ngayon. (Vol XXIV Blg. 26 p.2) Published August 12, 2009. Retrieved from
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=495208&publicationSubCategoryId=92