Thursday, August 20, 2009

Bilyonaryong Tsinoy kinasuhan ng 2 maid (Pilipino Star Ngayon)

Pormal nang nagsampa ng kaso sa pulisya kahapon ang dalawang kasambahay laban sa bilyonaryong Tsinoy nilang amo na nangmaltrato sa kanilang dalawa sa loob ng maraming taon.

Ang mga biktima na itinago sa pangalang ‘Marie’ at ‘Lucia’, ay nagsadya sa tanggapan ng Women and Children Concerned Desk (WCCD) La Loma Station 1 ng Quezon City Police District. Kasama ang kanilang abogado na is Atty. Al Parreno, nagsampa ang dalawa ng reklamong maltreatment at illegal detention laban sa pamilya ni Mariano Tanenglian, negosyante at residente ng nasabing lungsod.

Ayon kay Parreno, sa ngayon ay sumasailalim ang mga biktima sa at psychological examination upang maisaayos ang kanilang pag-iisip bago harapin ang nasabing kaso.

Source:
Tulipat, Ricky, Pilipino Star Ngayon (Taon XXIV Blg. 155 p. 6) Published August 21, 2009. Retrieved from
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=497855&publicationSubCategoryId=93