Wednesday, August 12, 2009

Hipag ni Lucio Tan, Sabit sa Pagmaltrato sa Maid (Bulgar)

Sumugod ang mga operatiba sa bahay ng kaanak ni Lucio Tan sa Quezon City kahapon ng tanghali upang i-rescue ang kasambahay na inulat na minamaltrato umano ng hipag ni Tan na si Aleta at dalawang pamangkin nito.

Kinilala ang biktimang si Mary Jane Sollano, 18, kasambahay ni Mariano Tan, asawa ni Aleta at kapatid ng business magnate. Ayon sa isang kapwa katulong na nakatakas, hindi sila umano pinapakain at pinalalabas ng bahay at idinetene roon nang halos 5 taon.

Nahaharap sa kasong illegal detention at child abuse ang hipag ni Tan ayon kay Atty. Melanie Trinidad, private legal counsel ng ama ng biktima.


Source:
Bulgar (Taon 17 Bilang 250, p. 2) Published August 11, 2009